Mudslide rumagasa; 1 sugatan

Mudslide rumagasa; 1 sugatan

August 3, 2022 @ 12:48 PM 2 weeks ago


ILOCOS SUR- Lubog sa putik ang isang bahay sa Sitio Immalsong Kiblongan, Brgy. Suyo, Ilocos Sur matapos na tamaan ng mudslide dulot ng malakas na pag-ulan noong gabi ng Lunes, Agosto 1.

Ang bahay ay pag-aari ni Onofre Licnad y Pucnid, 55, may asawa.

Nabatid na noong gabi ng August 1 ay tinamaan ng mudslide ang bahay ni Onofre pero hindi masyadong nakapagsagawa ng search and rescue operation ang rescue team doon sa erya dahil patuloy pang may mga nahuhulog na mga bato at halos tuloy-tuloy din ang mudslide.

Gayunman, nailigtas nila ang isang injured person na nakilalang si Gemma Butangen y Daligis, 37, may asawa, residente ng Sigay, Ilocos Sur.

Bukod kay Butangen ay wala namang naiulat na iba pang sugatan sa naturang insidente.

Bandang alas-9:50 ng umaga kahapon ay muling nagsagawa ng search and rescue operation doon sa lugar ang mga pinagsanib na puwersa mula sa Suyo MPS, MDRRMC, BFP Suyo at mga volunteer.

Tulong-tulong sila sa pagliligtas sa mga gamit ni Onofre sa loob ng bahay na halos lahat ay lubog umano sa putik dulot ng naturang mudslide. Rolando S. Gamoso