Mukha ng ‘most wanted NPA’ sa Mindanao isinapubliko

Mukha ng ‘most wanted NPA’ sa Mindanao isinapubliko

January 14, 2022 @ 7:28 AM 7 months ago


DAVAO CITY – Inilabas ng Armed Forces of the Philippines ang pinakabagong composite sketch ni Eric Jun Casilao alyas “Elian” o “Wally” na siyang tinaguriang ‘most wanted’ New People’s Army member sa Mindanao.

Nagmula ang nasabing composite sketch sa Philippine National Police (PNP) Forensic Group, Regional Forensic Unit 11.

Sa pahayag ng Army’s 10th Infantry Division (10ID) ang nasabing litrato ay base sa impormasyong ibingay ng mga dating kasamahan ni Casilao sa NPA.

Kinilala naman ng otoridad si Casilao, 43, na siyang kasalukuyang secretary ngeSouthern Mindanao Regional Committee (SMRC) at kapatid umano ni dating  ANAKPAWIS Rep. Ariel Baring Casilao.

Sa impormasyon pa ng 10ID lagpas 20 taon na umanong miyembro si Casilao ng Communist Party of the Philippines (CPP) – NPA kasama ang kanyang asawang kinilalang si  May Casilao alias Gab.

Nahaharap si Casilao sa multiple criminal cases kabilang na ang two counts of murder, kidnapping, at serious illegal detention.

Mayroong P5.4 milyon na patong sa ulo si Casilao na siyang inihahanda na kapalit ng nasawing si Menandro Villanueva alias “Bok,” ayon pa sa 10ID.

Sinabi ni Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., 10ID commander, na kung sino man ang makapagtuturo ng kinaroroonan ni Casilao ay ang siyang makatatanggap ng nasabing pabuya na inaalok ng Department of National Defense at Department of the Interior and Local Government.

“I am calling every citizen to continuously support our campaign against the terrorist group. Your information and cooperation are vital to us,” ani Torres. RNT