Mula higit 1,000, naka-granular lockdown bumaba sa 884 lugar —PNP

Mula higit 1,000, naka-granular lockdown bumaba sa 884 lugar —PNP

February 1, 2022 @ 4:27 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Mula sa 1,036 na naiulat nitong Lunes, bumaba na lang sa 884 na lugar ang nakasailalim sa granular lockdown, ayon sa anunsyo ng Philippine National Police (PNP), Martes.

Sa datos ng PNP ang mga lugar na ito ay matatagpuan sa Cordillera (406), Ilocos (292), Cagayan (152), 14 sa National Capital Region, 12 sa Zamboanga, at walo sa Mimaropa.

Umabot naman sa 2,359 indibidwal ang naapektuhan ng restriksyon.

Nagpakalat na rin ang PNP ng 226 personnel at 874 force multipliers para masigurong makasusunod ang mga residente sa tamang health protocol habang nakakandado.

Ang Local government units (LGUs) ang may karapatang magpatupad at bumawi ng granular lockdown sa kabahayan, compound, street, o building base sa nagaganap na hawaan ng COVID.

ang granular lockdowns ay micro-level area COVID-19 quarantines para sa mga ikinokonisiderang “critical zones” sa LGUs. RNT