Mula sa 566, lugar na naka-granular lockdown, biglang sipa sa 853 —PNP

Mula sa 566, lugar na naka-granular lockdown, biglang sipa sa 853 —PNP

January 28, 2022 @ 12:11 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat bigla sa 853 ang bilang ng mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown mula sa dating 566, ayon sa Philippine National Police (PNP), Biyernes.

Sa datos ng PNP, sa kabuuang bilang 338 rito ang kinandado sa Cordillera, 316 sa Ilocos, 137 sa Cagayan, 29 sa Mimaropa, 17 sa National Capital Region, at 16 sa Zamboanga.

Aabot naman sa 2,289 indibidwal ang naapektuhan ng nasabing restriksyon.

Nasa 316 personnel at 1,117 force multipliers naman ang pinakalat ng PNP sa mga naka-granular lockdown na lugar para masiguro ang pagsunod sa restriksyon.

Ang granular lockdowns ay mga micro-level area COVID-19 quarantines para sa “critical zones” sa local government unit na binibigyan ng kapangyarihan na magpatupad o magdeklara nito. RNT