Muling pag-anib ng Pinas sa ICC, ekis kay Marcos

Muling pag-anib ng Pinas sa ICC, ekis kay Marcos

August 1, 2022 @ 2:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi aprubado kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na muling umanib ang bansa sa International Criminal Court (ICC).

“The Philippines has no intention of rejoining the ICC,” giit ni Marcos.

Ito ang nagging pahayag niya isang linggo matapos talakayin sa mga miyembro ng legal team ng kanyang administrasyin ang imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ni Duterte.

Dumalo sa naturang pagpupulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Solicitor General Menardo Guevarra, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Executive Secretary Vic Rodriguez, at Atty. Harry Roque, dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naganap ang pagpupulong isang linggo matapos imbitahan ng Hague-based ICC ang Pilipinas na magbahagi ng obserbasyon sa hiling ng ICC prosecutor na muling buksan ang imbestigasyon sa mga pagpatay sa kasagsagan ng war on drugs.

Sa utos na may petsang Hulyo 14, binigyan ng ICC ang Pilipinas ng hanggang Seytembre  8, 2022 upang magbigay ng obserbasyon sa pinaplanong muling pagbubukas sa imbestigasyon. RNT/SA