Muling paglobo ng COVID sa ibang bansa ‘di dahil sa vaccine brand



Muling paglobo ng COVID sa ibang bansa ‘di dahil sa vaccine brand

June 10, 2021 @ 4:02 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na ang napaulat na muling pagsirit ng COVID-19 cases sa ibang bansa ay dahil sa “false sense of security” at hindi dahil sa vaccine brands.

Nakarating kasi kay Presidential spokesperson Harry Roque ang balita na ang pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 sa ibang bansa ay isinisisi sa COVID-19 vaccines brand kung saan napag-alaman na karamihan ay mula sa China.

“‘Wag na muna natin tanggapin ‘yang konklusyon na nagkakaroon ng resurgence sa mga bansa na ginagamit predominantly ay Chinese-made vaccines,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na maging ang bansa na gumagamit ng Western-made vaccines ay nakaranas din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“I don’t think na may kinalaman ‘yung bakuna sa resurgence, kung hindi, siguro nagkakaroon sila ng false sense of security dahil marami nang nagbabakuna at nabakunahan, ay baka nagpapabaya na sila sa mask, hugas, iwas,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakatanggap ng 7.5 million doses ng Chinese drug firm Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine, CoronaVac, kabilang na ang  1 million doses na idinelever ngayong araw.

Ang CoronaVac ang nakapagbigay ng bultong available na bakuna sa bansa. Kris Jose


  •  
  •  
  •