Muling pagpapakasal nina Sunshine at Cesar, fake news!

Muling pagpapakasal nina Sunshine at Cesar, fake news!

October 25, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ayon sa kumakalat na tsismis sa YouTube, buntis daw ngayon si Sunshine Cruz sa dati niyang mister na si Cesar Montano. Bale ito raw ang pang-apat na anak nila ng action star.

At dahil nagdadalangtao diumano, magpapakasal daw silang muli ng nakahiwalayang asawa.

Kalat na ang nasabing video sa YouTube at daan-daang libo na rin ang mga nakapanood nito.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ng aktres na may mga bumabati at nag-congratulate pa sa kanya dahil sa diumano’y pagbubuntis at nalalapit na pagpapakasal niya.

Kahit wala itong katotohanan, may mga naniniwala sa nasabing balita.

Post ni Sunshine sa kanyang FB account, “FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at nagko-congratulate sa akin.

“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband. #fakenews,” sabi ni Shine.

O ayan, nilinaw na ni Sunshine na walang katotohanan na nabuntis siya ulit ni Cesar at magpapakasal ulit sila. Rommel Placente