Muling pagtalakay sa Revised Penal Code inihirit ni Romualdez

Muling pagtalakay sa Revised Penal Code inihirit ni Romualdez

February 18, 2023 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Target ng Kamara na i-revisit ang halos isang siglo nang Revised Penal Code (RPC), o Act No. 3815.

Inihayag ito ni House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez sa 19th National Convention of Lawyers at sa golden jubilee celebration ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na kinabibilangan niya.

Sinabi ni Romualdez na bagama’t naserbisyuhan ng RPC–passed noong Dec. 8, 1930 ang mga Pilipino, kailangan itong i-update kasabay ng mga pagbabago ng panahon.

ā€œWith globalization and the birth of the internet in 1983, many of the injustices that society endures at present, like cybercrime and transnational crime, are simply beyond the ambit of the Revised Penal Code to address,ā€ bahagi ng talumpati niya nitong Biyernes.

Pinuri niya ang inter-agency Code of Crimes Committee, sa pamumuno ni retired Sandiganbayan presiding justice Edilberto Sandoval, sa pagbalangkas ng panukalang Code of Crimes.

Sinabi ng Speaker na nakapaloob sa draft code ang bagong sistema ng penalties na maaaring ipataw sa mapapatunayang guilty sa criminal activities, kabilang sa community service at mas makatotohanang multa at mga parusa.

Iminumungkahi rin dito ang modernisasyin ng penal terminology, pagsasama ng Dangerous Drugs Act, at pagpapakahulugan at pagsasama sa cybercrime.

Pinasalamatan niya ang Sandoval committee ā€œfor leaving certain matters to the discretion of Congress, such as the imposition of the death penalty and the likeā€.

Isinagawa ang IBP event sa SMX Convention Center sa Davao City. RNT/SA