MULTI-BILYONG PISONG VAPE CRIME 

MULTI-BILYONG PISONG VAPE CRIME 

December 29, 2022 @ 10:20 AM 1 month ago


APAT na negos-yante sa Binondo ang inirek-lamo ng Bureau of Internal Revenue  sa korte kamakailan sa pagbebenta ng vape products na ipinuslit umano sa bansa. Isinampa ang mga kaso matapos pa-ngunahan mismo ni BIR Commissio-ner Romeo D. Lumagui Jr. ang grupong nagsagawa ng inspeksyon at kumum-piska sa 50,000 hanggang 100,000 units ng vapes, bukod pa sa daan-daang kahon ng vape flavours at accessories. 

Bagama’t ang mga sinamsam ay tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon, ang tantiyadong nalulugi sa gobyerno sa “smuggled vapes” na ito ay umaabot sa nakakalulang P1.4 bilyon sa nakalipas na taon. Kung pakaiisiping mabuti, ito marahil ang dahilan kung bakit hindi inaksiyunan ni President Bongbong Marcos, maging ng hinalinhan niyang si Rodrigo Duterte – na sa sarili niyang paraan ay sinawata ang nicotine addiction sa bansa – ang pagpapasa o pagbasura sa Vape Bill na nirati-pikahan ng Kongreso noong Enero.  Sa kasong ito na hindi na mababawi pa, mangyaring pigain ang lahat ng regu-latory taxes, multa, at penalties mula sa industriya ng vape at e-cigarette.
 *  *  * 
Limang araw bago mag-2023, iniulat ng Bureau of Fire Protection na 20 katao na ang nasuga-tan sa paputok kundi man naaksidente sa fireworks, kasabay ng panawagan sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok at iba pang sumasabog upang maiwasan ang sunog, pagkasugat, at maging kamatayan. Pitong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, inilat-hala ng Department of Trade and Industry ang listahan nito ng 14 certified brands ng mga pa-putok na may PS licen-ses, kasabay ng paalala ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa mama-mayan na tangkilikin lamang ang mga brand na nasa listahan ng kagawaran kung bibili ng mga paputok at fire-works. 

“Good luck” sa gob-yerno sa sabay na pagsusulong sa dalawang ideyang ito habang umaasa ng pinakamai-nam na resulta, kung saan walang sasalubong sa Bagong Taon na nasunugan ng bahay, nabiktima ng mga pagsabog, nadurog ang kamay, naputulan ng daliri, at iba pang trahed-yang may kaugnayan sa paputok. 

Tungkol naman sa mga pulis na magpapaputok ng kanilang baril para sa maingay na pagsalubong sa Bagong Taon, ituturing kong pananagutan ng Philippine National Police, ng mga lokal na pamahalaan, at ng mga opisyal ng barangay ang anomang pagkasawing maitatala dahil dito. 

Kay Secretary Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government , siguraduhin ninyong “helluva” all-out campaign ang ipatutupad ninyo upang maiwasan ang madugong simula ng 2023!

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.“