Multiple cyber libel ikinasa ng Brilliant Skin CEO vs Rosmar Tan

Multiple cyber libel ikinasa ng Brilliant Skin CEO vs Rosmar Tan

October 11, 2022 @ 2:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagkasa si dating Pinoy Big Brother housemate Glenda Victorio ng multiple cyber libel case at unjust vexation laban sa may-ari ng Rosmar Skin Essentials sa Quezon City prosecutors Office kahapon.

Batay sa mahigit 60-pahinang complaint affidavit, inilahad ni Glenda Victorio, may-ari ng beauty line na Brilliant Skin, 25, ng Manhattan Parkview Condominium sa Cubao  na sinampahan ng naturang mga kaso si Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials dahil apektado na ang kanyang pamilya sa paninira ng huli sa kanya online.

Iginiit pa ni  Victorio na nakakasira na ng kanyang pagkatao ang  umano’y ‘malicious’ at ‘defamatory’ na mga pahayag ni Tan laban sa kanya  sa social media.

Hindi rin ikinatuwa ni Victorio ang pagdawit ni Tan sa kanyang pamilya at tila mga pagbabanta nito na ‘di umano’y below the belt na.

Kung humingi man umano ng tawad sa kanya si Tan, hindi niya pagbibigyan dahil sa matinding epekto ng paninira nito sa kanya at sa pamilya sa social media.

Giit pa ni Victorio, wala siyang alam na dahilan para siraan siya ni Tan sa social media at hindi rin niya kilala ang akusado.

Inihayag naman ni Atty. Gabriel Ilaya ng Tungol Tan Fordan Law Office, abogado ni Victorio, na hawak nila ang mga supesyenteng ebidensiya para maidiin sa kaso si Tan.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Tan ukol dito. RNT/SA