Multiple toll stop sa SLEX, STAR, Skyway kinalos na ng SMC
December 2, 2022 @ 7:59 AM
2 months ago
Views: 222
Remate Online2022-12-01T20:47:41+08:00
MANILA, Philippines – Hindi na daraaan pa sa maraming toll stop ang mga motorista kapag gumagamit ng South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR), at Skyway.
Ito ay dahil sinimulan nang ipatupad ng infrastructure arm ng San Miguel Corporation (SMC) ang “Seamless Southern Tollways” program nito.
Sa ilalim ng bagong scheme, sinabi ng SMC Infrastructure na ang mga toll stop sa loob ng expressway network nito sa South Luzon ay mababawasan mula lima hanggang dalawa na lamang—sa mga entry at exit point—sa tamang panahon para sa inaasahang pagtaas ng dami ng trapiko ngayong Pasko.
Sa hakbang na ito, maiiwasan din ang traffic buildup sa mga toll plaza, dagdag ng kumpanya.
Tinawag ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang programa na isang “welcome development,” lalo na para sa mga Pilipinong bumibiyahe para sa bakasyon. RNT
February 2, 2023 @7:56 PM
Views: 50
Bulacan – Arestado ang isang 51 anyos na binatang welder na may kasong statutory rape sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Bocaue.
Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, ang akusado na si Oliver Valerio Sr, alyas Ver, residente ng Brgy. Bambang.
Sa report Bocaue police, naaresto si Ver bandang 12:10 ng tanghali nitong Pebrero 1 sa Brgy. Poblacion sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape na inisyu ni Hon. Ma. Cristina Laderas, Presiding Judge ng Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 85, Malolos noong Enero 11, taong kasalukuyan na walang inirekomendang piyansa.
Sinasabing ipinaalam ng mga awtoridad na humuli sa akusado ang kanyang constitutional rights at dumaan sa medical examination. Dick Mirasol III
February 2, 2023 @7:43 PM
Views: 49
MANILA, Philippines – Upang maabot ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad ay namahagi ang Department of Health (DOH) -Ilocos Region ng pitong ambulansya sa probinsya ng Ilocos Norte na ipapamahagi naman sa local government units o LGUs.
Sa turnover ceremony sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City, Ilocos Norte, sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga ambulansya na ito ay magtataas din sa “functionality” ng local government hospitals.
“Pangalagaan ninyo ang mga ambulansyang ito upang magamit ninyo ng mahabang panahon. Give them proper care and maintenance and also ensure that they are utilized in accordance with the definition and standards provided by the health department.”
Ang mga ambulansya ay fully equipped ng folding stretcher, nebulizer, portable suction machine, defibrillator, portable suction machine, examining light, aneroid sphygmomanometer, scoop stretcher, stethoscopes, non-contact thermometer, blood-glucose meter na may strip, resuscitators para sa bata at nakatatanda; oxygen theraphy set; laryngoscopes set; immobilization devices, delivery set at patient transfer monitor.
Nangako naman si Ilocos Governor Matthew Joseph M. Manotoc, na siyang tumanggap sa mga units, para sa mas maraming benepisyo sa pangangalagang panfgkalusugan para sa health workers at higit pang pagpapahusay ng mga pasilidad sa healthcare facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden
February 2, 2023 @7:30 PM
Views: 45
MANILA, Philippines – Patuloy ang search and rescue (SAR) operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang engine cadet na nahulog mula sa motor vessel habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Maynila.
Nangyari ang insidente sa karagatan bahagi ng Calatagan, Batangas noong Enero 28.
Kinilala ang biktima na si Marnel Vincent Balaba, 22, residente ng Misamis Occidental at nagtatrabaho bilang engine cadet sa MV ALESON CON CARRIER 14.
Enero 29 nang ilunsad ng PCG Sub-Station Calatagan and BRP Bagacay (MRRV-4410) ang SAR operation.
Gayunman, dahil sa masamang panahon, itinigil ang paghahanap.
Muling ipinagpatuloy ang SAR noong Enero 30 ngunit negatibo ang resulta.
Nagsagawa na rin ng aerial search ang Coast Guard Aviation Force pero hindi pa rin makita ang biktima.
Pinayuhan ng PCG Sub-Station Calatagan ang mga barangay officials at mga residente sa lugar na ipagbigay alam sa malapit na coast guard unit sakaling mamataan ang biktima upang mabigyan ng agarang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden
February 2, 2023 @7:17 PM
Views: 47
MANILA, Philippines – Lumagda ang Philippine Coast Guard (PCG) at Commission on Higher Education(CHED) ng Memorandum of Agreement (MOA) sa monitoring shipboard training para sa mga maritime students.
Pinangunahan nina PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, at CHED Chairman, Prof Popoy De Vera III, ang signing ceremony.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, bubuo ang CHED ng database ng mga mag-aaral na iniulat ng Maritime Higher Education Institutions (MHEIs) para makasakay sa mga domestic ship para sa pagsasanay.
Kukuha rin ng datos ang CHED regional office para sa wastong pagsubaybay sa mga mag-aaral na sakay ng mga domestic ship na sumasailalim sa pagsasanay.
Ang PCG naman ay magsasagawa ng mga panayam sa mga kadete at Shipboard Training Officer (STO) upang maberipika kung ang mga kadete ay tumatanggap ng wastong pagsasanay.
Dapat ding suriin ng PCG kung ang mga barkong may sakay na mga kadete ay may mga iskedyul ng pagsasanay at ginagamit lamang ang mga kadete para sa mga gawain sa barko na mayt kaugnayan sa layunin ng onboard training program.
Higit pa rito, dapat ding i-validate ang aktwal na bilang ng mga kadete na nakasakay sa barko batay sa pinayagang bilang ng mga deck at engine cadets gaya ng itinatadhana sa mga kaukulang regulasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Dapat ding tiyakin ng PCG na tanging mga kadete lamang na present on board ay makikita sa opisyal na listahan ng mga tripulante upang malaman ang ilang mga kasanayan kung saan ang ilang mga kadete ay naglilingkod sa kanilang mga shore-based offices sa halip na maglingkod on board.
Gayundin, dapat iulat ng PCG ang kanilang mga natuklasan sa CHED upang matiyak na ang lahat ng maritime students ay makakatanggap ng wastong pagsasanay sa barko bilang bahagi ng kanilang educational curriculum. Jocelyn Tabangcura-Domenden
February 2, 2023 @7:04 PM
Views: 44
MANILA, Philippines – Inaasahang magsisimula na sa Disyembre 2026 ang operasyon ng New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project (NCWS-KDP) na magbibigay ng 600 milyon litro ng tubig kada araw.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Leonor Cleofas, nagsimula na ang tunnel boring mula sa Teresa patungong Morong, sa probinsya ng Rizal na may habang 22 kilometro.
Sinabi pa ni Cleofas na ang 42 pamilya na maaapektuhan ng konstruksyon ng tunnel ng Kadiwa Dam ay aalalayan ng pamahalaan.
Idinagdag pa niya na nakadagdag sa pagkaantala ng konstruksyon ng proyekto ang peace and order situation sa lugar na agad naman nang natugunan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).
“Many studies have shown that the Kaliwa Dam is a viable option for preventing water shortage problems in the medium to long term,” sinabi naman ni MWSS chairman of the Board of Trustees Justice Elpidio Vega.
Inalala niya ang naranasang water shortages sa Metro Manila noong 2019. RNT/JGC