Municipal Assessor natagpuang patay sa loob ng bahay

Municipal Assessor natagpuang patay sa loob ng bahay

October 9, 2022 @ 8:21 AM 2 months ago


ILOCOS SUR – Isa nang malamig na bangkay ang municipal assessor ng bayan ng Suyo ng lalawigang ito nang matagpuan ito sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Nacugang, Brgy. Suyo Proper kahapon ng umaga, Oktubre 8.

Kinilala ng Suyo Municipal Police Station ang biktima na si Marciano Sacla y Estam, 58, walang asawa.

Nabatid na ang biktima ay pinuntahan ng isang Jonathan Caoayan y Tilado, 25, walang asawa residente ng Brgy. Apaya, Alilem, Ilocos Sur para sunduin dahil pupunta sila ng Baguio.

Pagdating sa bahay ng biktima, agad siyang kumatok sa main door pero wala siyang narinig na sagot o respond mula sa biktima kaya nagpunta siya ng backdoor at doon pumasok.

Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang biktimang nakabulagta, walang malay at mukhang hindi na humihinga.

Dahil dito, agad na humingi ng saklolo si Caoayan.

Ang biktima ay idineklarang patay na ni Dra. Mary Concepcion S. Sibucao, MHO ng naturang bayan.

Cause of death ng biktima ay Acute Myocardial infarction. Rolando S. Gamoso