Muntinlupa nombrado ng mga iligalista

Muntinlupa nombrado ng mga iligalista

July 2, 2018 @ 7:25 PM 4 years ago


Pahapyaw nating silipin, mga suki, itong Muntinlupa City na ang alkalde ay si Ma­yor Jaime Fresnedi na kilala natin bilang isang de kalib­reng pinuno ng lungsod.

Halos sa dalawang mga bigating kilalang tao lamang sa lungsod na ito nakasentro o gumugulong ang pulitika sa Muntinlupa City.

Kabilang na rito sina Ma­yor Fresnedi at ex-Mayor Aldrin San Pedro na parang nagpapalitan na lamang sila sa pag-upo sa pwesto.

Pero kahit sino sa dalawang ito ang  maupo  ay hindi nila kayang mapatigil ang lahat ng uri ng mga kailigalan na nombrado ng mga kumag na iligalista.

Gaya na lamang ng talamak na  illegal gambling dahil siguro sa koneksyon ng pulitika na umuugnay sa  mga mayor na nakaupo.

Ang tinutukoy kong pasugalan na halos ilang dekada na ring nag-o-operate ay sak­laang patay at saklaang walang patay ni alyas Walter sa mga  barangay gaya ng Brgy. Buli at Brgy. Putatan na pawang nasa siyudad ng Mun­tinlupa.

Ang sinomang politiko na aalagaan ni Walter ay siyento porsyento na mananalo sa halalan.

Bakit? Dahil bukod sa magaling siyang leader ay leader din siya na ginagastusan  ang sinomang inaalagan nitong kandidato.

Pero (take note) ‘yun ay may kapalit (ano?) ang pana­natili ng  kanyang “long-time  business” na saklang-patay at saklang walang patay sa Muntinlupa.

Para disimulado na kay Walter pa rin ang pasaklaan ay ipinamahala niya ang  pag-o-operate sa kanyang dalawang “aso.”

Ang isa ay si alyas Ma­nok at ang isa naman ay si alyas Kaok  na may kanya-kanyang mga teritoryong lugar.

Ang galing ni Walter, ‘no?

BOOKIES PADER ­ SA LAGUNA

Gumawi naman tayo sa lalawigan ng Laguna at pahap­yaw nating silipin ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Jun Aled alyas Rolly Dizon sa mga bayan.

May sa Calauan, Victoria, San Pedro, Los Baños, Pila at Bae. Halos wala yatang kinatatakutan ang mamang ito.

Paging PRO 4A  Gen. Edward Caranza, pakidaklot lang itong si alyas Rolly Dizon na patuloy na niloloko ang PCSO sa pag-o-operate ng bookies sa mga bayan ng Laguna.

Walang ginagawa si Laguna PD Superintendent John Kirby Kraft kundi tumunga­nga  at magpabandying-bandying lang sa kampo.

o0o

Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 092­66719269 o i-email sa [email protected].

–  JUAN DE SABOG