Muntinlupa City – Kasunod ng pagkakaaresto sa apat na pulis-Muntinlupa dahil sa robbery extortion, tinanggal na rin sa puwesto ang hepe ng Muntinlupa City police.
Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar kaninang umaga na ni-relieve na niya si Senior Supt. Dionisio Bartolome.
Sa entrapment operation kahapon ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO sa Muntinlupa City police kalaboso sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez na pawing miyembro ng Intelligence at Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa police.
READ MORE: Apat na pulis-Muntinlupa kalaboso sa extortion
Nangikil umano ang mga pulis ng malaking halaga sa babaeng si alyas “Madam” na nahulihan daw nila ng ilegal na droga nitong Huwebes.
Wala pang pahayag si Bartolome hinggil sa isyu. (Remate News Team)