Muntinlupa satellite office ops sa Starmall Alabang itinigil

Muntinlupa satellite office ops sa Starmall Alabang itinigil

January 12, 2022 @ 10:19 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang operasyon ng kanilang satellite offices sa Starmall Alabang makaraang masunog na naturang mall noong Sabado (Enero 8).

Sinabi ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ang mga satellite offices na itinigil ang operasyon noong Enero 10 ay ang Muntinlupa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), Muntinlupa Muslim Affairs Office (MCMAO), Business Permits and Licensing Office-Satellite Office (BPLO-SO) at ang National Bureau of Investigation-Satellite Office  (NBI-SO).

Sinabi ni Fresnedi na ipagpapatuloy ang mga transaksyon sa opisina ng MTMB announced that ngayong Enero 12 (Martes) mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa Bayanan Baywalk covered court sa Bgy. Bayanan ng naturang lungsod.

Dagdag pa ni Fresnedi, sinuspindi naman ng BPLO ang pag-iisyu ng occupational permit at health certificate habang nananatiling sarado ang mga opisina ng MCMAO at PDAO.

Ang NBI-SO naman na matatagpuan sa nasunog na Starmall Alabang ay nag-abiso sa publiko na maaari pa rin silang magproseso ng NBI clearance sa NBI main office sa Manila habang ang mga indibidwal na pinababalik dahil sa may “hit” ang kanilang pangalan sa releasing section ay maaari na ring magtungo sa main office ng nabanggit na ahensya ng gobyerno.

Samantala, inanunsyo naman ng Starmall Alabang na ang kanilang transport terminal ay mananatili ang operasyon nito lamang Enero 10 sa bagong lokasyon sa South wing area malapit sa Petron ang mga pampasaherong bus na may biyaheng Ayala at BGC; at mga Point-to-Point Buses na patungong Lawton, Ortigas/Shaw, Vista Mall Dasmariñas, at Somo-A Vista Mall.

Nanduon din sa naturang lugar ang sakayan ng mga pampasaherong jeep na ang mga biyahe ay papuntang Calamba, Pasay, FTI, Sucat, Zapote-Baclaran at GMA, Cavite habang sarado naman ang pasukan ng Philippine National Railways (PNR) kung saan pinayuhan ang mga mananakay ng tren na pansamantalang dumaan na lang muna sa mga kalsada ng Montilano at Molina Street. James I. Catapusan