Mural painting ng Team Lakay, ipinagmalaki

Mural painting ng Team Lakay, ipinagmalaki

November 21, 2020 @ 12:16 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

BAGUIO CITY – Ibinabandera at hinahangaan ngayon ng Team Lakay ang mural painting na gawa ng isa sa kanilang pambatong fighter na si Harold Banario.

Ibinida ni Team Lakay founder at head coach Mark Sangiao ang 13 by 24 feet mural work ni Banario na sumisimbolo sa tagumpay ng mixed martial arts team.

Ayon kay Eduard Folayang, maganda umano ang artwork ni Banario habang pinuri rin ni Kevin Belingon  ang mural painting at tinawag itong “super ganda.”

“Gwapo” naman ang itinawag ni Geje Eustaquio sa artwork at umaasa ito na matatapos ang painting sa lalong madaling panahon.

Nakalarawan sa artwork ang walong dati at kasalukuyang kampeon na miyembro ng Team Lakay tulad ni Folayang, Belingon, Stephen Loman, Crisanto Pitpitunge, Eustaquio, Honorio Banario at Joshua Pacio gayundin ang kanilang coach na si Sangiao.

Kahit hindi pa perpekto ang linya, kulay at surface nito, iginiit ni Sangiao na rito makikita ang tunay na kagandahan at kahulugan ng artwork.

Sinabi ni Sangiao na ang painting ay lumalarawan sa Team Lakay na nag-umpisa sa mababa ngunit ngayo’y masasabing isa na itong successful o matagumpay. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...