Mural tribute sa Maynila alay sa mga health workers

Mural tribute sa Maynila alay sa mga health workers

September 6, 2021 @ 2:59 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinangaan ng mga dumadaan sa Singalong, Paco, Manila ang malaking wall mural.

Tampok kasi nito ang larawan ng animo’y mga health worker na nakasuot ng face mast at personal protective equipment (PPE).

Ayon sa mga nasa likod ng mural, tribute nila ito para sa mga health workers na maituturing na bagong bayani na lumalaban sa COVID-19 pandemic.

Nitong nakaraan, ilang mga health workers ang nagkilos-protesta dahil sa tila pang-gigipit sa kanila na ginagawa ng Department of Health.

Linggo naman, Setyembre 5 nang sabihin ng DOH na naipamigay na nila ang special risk allowance (SRA) sa malaking numero ng mga health workers. RNT


  •  
  •  
  •