Murder case ikinasa vs 17 CIDG officers sa March 2021 raid

Murder case ikinasa vs 17 CIDG officers sa March 2021 raid

January 14, 2022 @ 6:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Ikinasa ang kasong murder laban sa 17 miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 4-A na sangkot sa pagkamatay ng nina Ariel at Ana Mariz Lemita-Evangelista sa pagsisilbi ng kanilang warrant arrest sa Nasugbu, Batangas noong Marso 2021.

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay nitong Biyernes na ang filing ng National Bureau of Investigation (NBI) ay resulta ng ilang buwang ebalwasyon ng Special Investigation Team (SIT) sa ilalim ng inter-agency committee na binuo sa ilalim ng Administrative Order No. 35 (AO 35).

Ang mga katulad na kaso noong Marso 2021 ay “also progressing towards actionable status,” base sa DOJ, dahil mayroon umanong “zero tolerance for impunity in the ranks of Philippine law enforcement agencies”.

“These cases represent the important ongoing collective work of the DOJ, NBI, and the AO 35 SIT which manifests the Philippine government’s commitment to hold erring law enforcement officers and personnel accountable for any excessive actions in the field,” giit ng DOJ.

Matatandaang pito pa ang napatay sa Calabarzon Region sa ilalim ng parehong sitwasyon sa parehong araw na namatay ang activist couple. RNT/SA