Murder complaints sa Percy Lapid case, pinagsama-sama na

Murder complaints sa Percy Lapid case, pinagsama-sama na

November 10, 2022 @ 3:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinagsama-sama na ang mga murder complaints na inihain laban sa mga sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento nitong Huwebes, Nobyembre 10 nang matanong kung ang lahat ba ng reklamong isinampa sa pagpatay kay Lapid at itinuturong middleman na si Jun Villamor ay pinagsama-sama na.

Matatandaan na mayroong dalawang murder complaints ang inihain laban sa suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, kay BuCor official Ricardo Zulueta, at sa iba pang mga persons deprived of liberty.

Mayroon din na inihaing reklamong murder sa self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Samantala, kinumpirma rin ni Malcontento na bumuo na sila ng three-member panel kabilang sina Deputy State Prosecutor Olivia Torrevillas, Senior Assistant state prosecutors Josie Christina Dugay at Charlie Guhit. RNT/JGC