Murderer binitay ng ama ng biktima sa public firing squad

Murderer binitay ng ama ng biktima sa public firing squad

December 8, 2022 @ 7:18 PM 2 months ago


KABUL – Binitay kaninang umaga ang isang murderer sa bansang Afghanistan at itinuturing itong unang pagsasagawa ng bitay simula nang hawakan muli ng Taliban ang pamahalaan dito.

Hindi pinangalanan ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid ang binitay ngunit isa itong lalaki na nagnakaw ng cellphone at bisikleta ng isang lalaki na kanya na ring sinaksak at napatay.

Nang bitayin ito, ang ama ng biktima ang mismong inatasang bumaril ng tatlong beses sa murderer.

Naging saksi sa pagbitay ang acting chief justice, deputy prime minister, acting interior minister ad deputy governor ng Farah Proovince na roon isinagawa ang pagbitay.

Nauna rito, iniutos ng pamahalaan sa mga huwes na pairalin nang husto ang Shaira Law o batas pang-Muslim.

Si Supreme Leader Alaiqadar Amirul Momineen na rin mismo ang nag-apbruba sa pagbitay makaraang aminin ng binitay ang kanyang pagkakasala at dinggin ang kaso ng tatlong hukuman na nagsabing dapat bitayin ito.

Hindi naman nagpakita ang pamilya ng biktima ang pagpapatawad at ninais nilang mabitay ang akusaso upang maging matigil ito sa paggawa ng krimen at maging leksyon sa iba ang pangyayari. RNT