‘Museo ng Pag-asa’ ni Robredo, bubuksan sa Setyembre 20

‘Museo ng Pag-asa’ ni Robredo, bubuksan sa Setyembre 20

September 18, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines-  Inanunsyo ni dating vice president Leni Robredo na bubuksan sa publiko simula sa Setyembre 20 ang “Museo ng Pag-asa” ni dating Vice-President Leni Robredo.

Ang “Museo ng Pag-asa” (Museum of Hope) sa Quezon City ay bubuksan mula Martes hanggang Sabado, ayon kay Robredo sa kanyang social media post.

Makikta sa museo at idi- display ang ilang regalo at tokens na kanyang matanggap mula sa kanyang mga supporters sa buong bansa habang nangangampanya para sa presidential election noong nakaraang Mayo.

“This museum houses the memories of our people’s campaign — the hope, love, and creativity that continues to inspire our work,” ayon kay Robredo sabay sabing “But more than this, it stands as yet another proof of generosity and bayanihan.”

Sinabi ni Robredo na ang Angat Buhay foundation “did not have to spend a single centavo” para sa museo.

“Admission is free” subalit dahil sa limited space, sinabi ni Robredo na maaari lamang silang mag-accommodate ng 50 bisita kada oras.

Ang mga bisita ay dapat na bakunado laban sa COVID-19 at “required” na fill out ang reservation form at health declaration form. Kris Jose