Music video ni Harry Styles, mensahe sa Dacera case!

Music video ni Harry Styles, mensahe sa Dacera case!

January 8, 2021 @ 9:22 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Los Angeles, California – Ang British pop idol na si Harry Styles ang matinding pinag-uusapan sa entertainment world ngayon. Ito ay dahil sa dalawang development sa career at buhay ng dating miyembro ng One Direction.

Nitong Enero ay inilunsad ni Harry ang unang music video n’ya para sa Bagong Taon 2021 na mistulang may payo para sa buong mundo: “Treat People with Kindness” (TPWK).

Parang dance song ang “TPWK” dahil sayaw siya nang sayaw sa kabuuan ng video. Mas maraming sayaw dito kesa sa nakaraan n’yang music video na “Watermelon Sugar” na pumasok din sa mga global Billboard chart.  Pero marami pa rin ang nagkagusto sa titulo at lyrics ng “TPWK.”

Malamang ay magugustuhan ito ng mga Pinoy dahil parang payo ito sa mga nagkakagalit sa kung anu-anong isyu at magkakontrang pananaw at paninindigan.

Ang isang mainit na isyu ngayon sa Pinas ay: Pinaslang at ni-rape ba si Dacera o yumao siya sa aneurysm dahil sa kalasingan?

Parang kabuntot ng isyu na ‘yan ang tanong na ito: Kung pawang mga bading ang kainuman n’ya sa hotel nu’ng December 31, 2020, totoo bang ‘pag lasing na ang mga bading ay nagnanasa na rin sila sa mga babae?

Giit ng isang hepe ng pulisya na possible raw ang ganu’n.

Pero parang may epekto na ang payo ng latest music video ni Harry sa ating mga Pinoy. Hindi ba’t pansamantala munang pinalaya ang tatlong lalakeng ikinulong dahil sa suspetsang ginahasa nila ang flight stewardess? Pinanaig na muna ang unang autopsy report na aneurysm ang ikinamatay ni Dacera.

Sa huling ulat ay ipapa-autopsy uli ang labi ni Dacera para matiyak kung nagahasa ba siya o hindi. Ang pulisya at hindi ang forensic authorities ang humusga na nagahasa siya.

Kind treatment sa kapwa at huwag silang ikulong kung wala namang matibay na ebidensya laban sa kanila.

Ang pangalawang mainit na balita tungkol kay Harry ay may girlfriend na raw ito matapos ang suspetsang bading siya (dahil mahilig siyang magsuot ng damit na pambabae).

Nu’ng Disyembre (2020) ay naging kauna-unahang lalake si Harry na lumabas sa cover ng international edition ng Vogue fashion magazine. Pero naka-Gucci gown siya at nakadamit pambabae sa karamihan sa inside pics n’ya sa sikat na magazine. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...