Musk magbibitiw na sa Twitter pero…

Musk magbibitiw na sa Twitter pero…

December 22, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng may-ari ng Twitter na si Elon Musk na bababa siya bilang CEO ng kumpanya, matapos ang naging resulta ng inumpisahan niyang poll para sa Twitter users kung saan tinanong niya kung nais ba nila na manatili siya sa pwesto.

Pero, sinabi ni Musk na hindi kaagad siya magbibitiw, at gagawin lang ito kung may mahanap na karapat-dapat na kapalit.

Sa isang tweet, sinabi ni Musk na magbibitiw siya “as soon as I find someone foolish enough to take the job!”

Idinagdag niya na pagkatapos ng kanyang pagbibitiw bilang CEO, si Musk ay “run the software & servers teams” sa Twitter, na nagpapahiwatig na maaari siyang patuloy na magkaroon ng makabuluhang impluwensya sa paggawa ng desisyon ng kumpanya.

Ang anunsyo ay pagkatapos ng higit sa isang araw ng katahimikan tungkol sa poll kasunod ng kinalabasan nito.

Noong Lunes, pagkatapos bumoto ng mahigit 17 milyong user — 57.5% sa kanila ang nagsabing dapat magbitiw si Musk.

Ang poll ni Musk na nagtatanong sa mga user kung dapat ba siyang magbitiw bilang CEO ay dumating pagkatapos ng isang napakalaking backlash sa biglaang pagsususpinde ng Twitter sa ilang mga mamamahayag na nag-cover sa kanya, pati na rin ang desisyon ng Twitter na i-ban, at pagkatapos ay i-un-ban, ang mga link sa iba pang mga platform ng social media kabilang ang Facebook, Instagram at Mastodon. RNT