Muslim Islamic cemetery binuksan na



Muslim Islamic cemetery binuksan na

June 7, 2021 @ 1:57 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasinayaan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang itinayong Manila Islamic Cemetery sa Manila South Cemetery ngayong umaga.

Ayon kay Domagoso, itinayo ang nasabing libingan ng mga pumanaw na kapatirang Muslim upang upang kilalanin ang mga katangian ng kultura at kaugalian ng pamayanang Muslim sa Maynila.

Aniya, ang pagtatayo ng libingan ay katuparan sa binitawang pangako nito sa yumaong si Ghadzali Jaafar, na nakausap niya noong wala pa siya sa pamahalaan na sakaling siya ay maging Alkalde ng Maynila ay paglalaanan niya ng libingan ang mga yumayaong kapatid na Muslim.

Magsisilbi din aniya itong tanda ng paggalang sa kasaysayan ng lungsod na pinamumunuan umano noon ng mga Muslim, mga Rajah, at mga Sultan.

Sinabi rin ng Alkalde na nakikita niya ang paghihirap na dinaranas ng mga pamilyang Muslim na namamatayan ng mga kaanak na.hindi malaman kung saan ililibing lalo na aniya ang mga walang pera.

 

Tiniyak naman g Alkalde na bubuksan ang nasabing libingan sa lahat ng mga Muslim kung saan gagawin ang tamang pangangalaga sa kanila, kung saan maaari din silang manalangin.

Ang pagbubukas ng makasaysayang Muslim Islamic ay sinaksihan ng mga ambassador at miyembro ng Muslim diplomatic community.  JAY Reyes


  •  
  •  
  •