Muslim Mindanao, palalakasin ng bagong BOL – Binay

Muslim Mindanao, palalakasin ng bagong BOL – Binay

July 27, 2018 @ 12:47 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ni Senador Nancy Binay na lalakas ang kakayahan ng Muslim Mindanao upang umunlad at maghasik ng kapayapaan sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na pangunahing sumuporta sa naturang panukala, na ipinakikita lamang  ng bagong BOL ang tunay na local autonomy ay makakamit sa framework, konsteksto, ideya at espirito ng 1987 Constitution.

“Nakakagulat na nagbigay ang BOL ng “eureka moment sa ating lahat. Sa wakas natagpuan na natin ang pamamaraan upang palakasin ang mga rehiyon at local government, lahat sa loob ng constitutional framework na layunin ng Local Government Code,” aniya.

“Binibigyan din nila ang atin mga kapatid na Muslim ng kanilang minanang karapatan na pamahalaan ang kanilang sarili at magtakda ng kanilang teritoryo nang hindi nagpapawagayway ng ibang bandila,” dagdag niya.

Kamakailan, iniulat ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pinagtibay ng bicameral conference committee ang committee report hinggil sa bagong BOL, na niratipikahan naman kaagad ng Senado.

Niratipikahan din sa Mababang Kapulungan ang committee report na siyang naghudyat upang tuluyan nang maisabatas ang panukala at nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte.

“By embracing the concept of diversity without being fragmentary, all we need to do is to find ways to replicate for other regions the salient points of the BBL–and to a greater degree, preserving and respecting the people’s culture, history and faith,” aniya. Ernie Reyes