Musoleo ni Mahal, tapos na; Mygz Molino, walang ambag!

Musoleo ni Mahal, tapos na; Mygz Molino, walang ambag!

June 2, 2022 @ 8:00 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Finished construction na ang musoleo ni Mahal.

Magugunitang August 2021 nang pumanaw siya sa Covid.

Ilang  linggo bago rito ay pumanaw ang kanyang ama na labis nitong dinamdam.

Si Mahal ay si Noemi Tesorero sa totoong buhay.

She was 47 years old when she passed away.

Balitang sa YouTube channel ni Mahal galing ang ipinagpagawa ng musoleo.

Aabot daw sa P4.1 million ang kinita nito.

Samantala, pauwi na galing sa Amerika ang kapatid nitong si Irene.

Scheduled this July, sa musoleo ilalagak ang urn ni Mahal at labi ng kanilang ama.

Nais linawin ni Irene na walang ambag ang ka- loveteam ni Mahal na si Mygz Molino sa pagpapagawa ng musoleo.

Maging ang manager din nitong si Jethro Carey ay walang kontribusyon. Ronnie Carrasco III