Musong Castillo, Tonton Gutierrez kampeon sa NPC golf tourney

Musong Castillo, Tonton Gutierrez kampeon sa NPC golf tourney

November 27, 2022 @ 10:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsalo sina Musong Castilo at actor na si Ton Ton Gutierrez sa top honors ng katatapos na Golf For a Cause ng  National Press Club (NPC) golf tournament na ginanap sa Wack Wack West course.

Umiskor si Castilo ng four-over 76 para maibusla ang low gross trophy habang kumana si Gutierrez ng 68 para sa maiuwi ang net crown  sa katatapos ang Golf For a Cause ng  National Press Club (NPC) golf tournament na ginanap sa prestihiyosong Wack Wack West course.

Naghari naman sa kani-kanilang division sina Conrad Banal na may 70, Alex Magno, 71,  habang may even par 72 si Roger Garcia sa 18-hole tournament na tampok sa 70th anniversary celebration ng NPC.

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, isinakatuparan nila ang torneo upang makalikom ng pondong ilalaan sa mga proyekto ng press club at isa na rito ang scholarship grants para sa mga deserving na anak ng mga NPC member.

“Malaki ang maitutulong ng event upang magkaroon ng pondo ang NPC na ilalaan sa mga proyekyo na pakikinabangan ng mga miyembro,’ wika ni Bueno.

Bumida rin ang aktres na si Glydel Mercado sa ladies division sa torneong suportado ng Megaworld, San Miguel Corporation, Converge, APEX Mining Company president and CEO Louie Sarmiento, Philippine Basketball Association, Philippine Sports Commission, PCHLC 1st vice president Jay Pena Son, Sammay Yuquico of K-Plast, Pasay City Host Lions Club President Frederick Cabalbag at International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

Sumuporta rin sa NPC golf event sina DSWD Secretary Erwin Tulfo, National Irrigation Authority (NIA) Administrator Benny Antiporda, Negros Occidental Rep. Arnie Teves, Davao City Rep. Paolo Duterte, 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, Benguet Rep. Eric Yap, Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Atty. Dhalia Salamat at ang RICH Corporation.

Nagpasalamat din si NPC Prexy Bueno dahil sa suportang nakuha nila sa public at private sectors at individual, maging sa entertainment industry upang maging matagumpay ang kanilang fund raising event.

“Inaasahan namin na magkakaroon ito ng 2nd leg ngayon summer at mas maraming kalahok ang magpapakita ng kanilang galing sa larangan ng golf, ,” pagtatapos ni Bueno. RICO NAVARRO