Mutual Defense Treaty, ‘di pa pwede sa China laser attack – Tolentino

Mutual Defense Treaty, ‘di pa pwede sa China laser attack – Tolentino

February 15, 2023 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Francis Tolentino na hindi pa kailangang gamitin ang Mutual Defense Treaty (MDT) kasama ang Estados Unidos, sa nangyaring harassment ng China makaraang tutukan ng isang military-grade laser ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ani Tolentino, chairman ng Senate committee on justice and human rights, hindi siya sang-ayon sa sinabi ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, nang sabihin nito na pwede nang gamitan ng MDT ang ginawa ng China.

“I respectfully disagree. It’s not yet there. It’s almost there. Probably, an armed attack can be considered as one that would be lethal,”pahayag ni Tolentino sa panayam ng ANC.

“It shows the heightened provocative action being done by the coast guard of China and it’s nearing that point,” dagdag pa niya.

Tinanong din si Tolentin kung ano ang mga aksyon na maaari nang gamitin ng Pilipinas ang MDT.

Tugon niya, “When the ship is attacked that would, perhaps, endanger the lives of the crew; when it would be disabled; when a maneuver is done that would disorient, not just the crew members, but, perhaps, would lead to almost capsizing.”

Kamakailan ay napabalita na inatake ng Chinese Coast Guard ang barko ng PCG gamit ang military-grade laser na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag sa mga crew members nito habang nasa isang operasyon sa Ayungin Shoal.

Sa kabila nito, sa halip na humingi ng paumanhin ay sinisi pa ng China ang Pilipinas at sinabing pumasok kasi ang PCG sa teritoryong sakop ng China nang walang pahintulot.

Kasunod nito ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si
Chinese Ambassador Huang Xilian upang pag-usapan ang naturang insidente. RNT/JGC