MWP arestado sa manhunt ops

MWP arestado sa manhunt ops

February 16, 2023 @ 7:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang 57-anyos na lalake ang inaresto nang mga operatiba ng kapulisan matapos na maisakatuparan ang ikinasang operasyon sa bayan ng Llanera, Nueva Ecija nitong Miyerkules, February 15.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang arestadong suspek na si Gerry Adlus y Romero, @Gerry Ablos, @Gerry Palapus, may asawa, magsasaka, residente ng Barangay Sta. Barbara, Llanera, Nueva Ecija.

Ayon sa report, ganap na alas-8:20 ng umaga, kahapon, ng matutop ng pinagsanib na pwersa nang Llanera Police Station; Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO); at 1st/2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC-NEPPO) ang hinihinalang suspek sa nabanggit na barangay.

Si Aldus ay nakatala bilang isa sa mga most wanted person sa nabatid na munisipalidad at may alias warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder at may piyansa na halagang P200,000 na inisyu noong November 24, 2022 sa Regional Trial Court (RTC), Branch 25, Cabanatuan City

Pansamantalang humihimas ngayon ng malamig at makipot na rehas ang suspek. Elsa Navallo