MWP ng Malabon, tiklo sa droga, armas

MWP ng Malabon, tiklo sa droga, armas

October 3, 2022 @ 8:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nalambat sa buy-bust operation ang nangunguna sa talaan ng Most Wanted Persons ng Malabon na nakumpsikahan ng droga at armas.

Ibinalibag sa selda at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Hennry Gasoso y, Badiano, nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat ng Malabon Police na may petsang Oktubre 1, 2022, may warrant of arrest laban kay Gasoso para sa paglabag sa R.A. 9165 na inisyu ni Hon. Jimmy Edmund Gaoiran Batara, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 72, Malabon City noong Setyembre 28, 2022 na walang inirekomendang piyansa.

Taglay ang nasabing warrant, inaresto ng mga pulis ang suspek na hindi na nakapalag nang basahan ng kanyang mga karapatan sa wikang kanyang naiintindihan bago bitbitin sa presinto. Merly Iral