MWSS, Manila Water, kinalampag sa krisis sa tubig

MWSS, Manila Water, kinalampag sa krisis sa tubig

March 20, 2019 @ 6:44 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Kinalampag ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water sa Quezon City ngayong Miyerkules dahil sa naranasang water shortage.

Sigaw ng grupo na hindi sapat ang paghingi ng tawad ng Manila Water sa kanilang mga consumer at dapat ay huwag pagbayarin ang mga ito.

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga militante grupo sa Metropolitan Waterworks and Sewage System (MWSS) office sa Katipunan, Quezon City upang kondenahin ang kawalan ng tubig ang ibat-ibang lugar sa Metro Manila. Danny Querubin

Ayon kay Jah Bringas ng Akbayan, “Palpak ang serbisyo ng Manila Water, nararapat lamang na hindi magbayad ang consumers nito.”

Dapat ding ayusin ng MWSS ang kanilang pamunuaan para mas maging maganda ang serbisyo nito.

Sa ngayon, ayon sa Manila Water na balik normal na ang suplay ng tubig sa halos lahat ng kabahayang naapektuhan ng water interruption. Remate News Team