‘My Amanda’ patok sa Netflix Ph

‘My Amanda’ patok sa Netflix Ph

July 20, 2021 @ 3:57 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Patok ngayon sa mga Pilipino ang pelikulang “My Amanda” na pinagbibidahan nila Piolo Pascual at Alexandra De Rossi sa Netflix Philippines.

Isinulat at binigyang direksyon mismo ng aktres na si Alexandra at isa rin siya sa nagproduce ng nasabing pelikula.

Ayon sa isang panayam kay Alexandra na taong 2020 pa ito dapat nailabas ngunit naudlot ito dahil sa pandemya.

Masaya ang aktres sa naging tanggap ng mga tao sa pelikula ibinahagi rin nya ang saya at pagod sa paghawak ng iba’t ibang gawain.

Malaki rin ang naging pasasalamat ng aktres sa pagtanggap ni Piolo sa proyekto.

Napapanood din ang pelikulang “My Amanda” sa iba’t ibang bansa tulad ng Qatar at United Arab Emirates. RNT/Kristine Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •