‘Mysterious flu’ na umatake sa India, tukoy na!

‘Mysterious flu’ na umatake sa India, tukoy na!

March 8, 2023 @ 5:20 PM 3 weeks ago


INDIA – Mas marami pang mga residente sa India ang nahawaan ng tinawag nilang “mysterious flu” na nadiskubre noon pang Disyembre sanhi ng tuloy-tuloy na ubo at panghihina ng mga ito.

Sa kasalukuyan, natukoy na ng Indian Council of Medical Research (ICMR) ang misteryosong ubo’t sipon bilang isang specific strain ng influenza, na subtype ng H3N2 na dahilan sa paglobo ng kaso ng mga nagkakasakit.

Ayon sa mga eksperto, ang strain na ito ay mas madaling kumalat sa panahong ito sa India.

“This subtype appears to cause more hospitalizations than other influenza subtypes,” ayon sa ICMR noong Biyernes, Marso 3.

Sa impormasyon, sa mga naospital, 92% sa mga ito ay may lagnat, 86% ang inuubo at nahihirapang huminga, 10% ang nangangailangan ng oxygen habang 7% ang kailangang ipasok sa intensive care unit.

Sinabi naman ng Indian Medical Association (IMA), isang national voluntary organization ng mga doktor, ang ubo ay maaaring tumagal ng hanggang dalawang linggo.

Sa kabila na hindi nakamamatay ang naturang strain ng influenza, nagbabala naman ang mga doktor sa posibilidad ng respiratory issues sa ilang pasyente. RNT/JGC