Mystery guy ni Kylie sa Thailand, pinag-uusapan!

Mystery guy ni Kylie sa Thailand, pinag-uusapan!

January 5, 2023 @ 12:29 PM 4 weeks ago


Bangkok, Thailand – Naka-off ang comment box sa Instagram ni Kylie Padilla sa dalawang post niya sa kanyang Thailand vacation na may kasama. Mababasa lang ang reaction niya sa larawan na, “Wondering with another fellows wanderer,“ kung saan makikita ang kanyang kasama.

Sa ikalawang larawan na in-off niya ang comment box ay may caption na, “All there is, is gratitude.”

Hindi ipinakita ni Kylie ang mukha at pangalan ng kanyang kasama pero sabi ng mga netizens ay ang rumored boyfriend daw ito ng actress na kasama niya sa Thailand. At tila totoo nga dahil makikita sa video na magka-holding hands sila.

Masaya ang fans ni Kylie kung totoo na may kapalit na si Aljur Abrenica sa puso ng actress. At waiting ang mga supporter  niya kung kailan ito ilalantad sa publiko.

Karapatan daw ni Kylie ang maging masaya at kung sa guy daw na ‘yun na owner ng tattoo shop siya masaya, so be it.  Umaasa lang ang mga fans ni Kylie na hindi dumami ang kanyang tattoo. Gerry Ocampo