N. Korea nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

N. Korea nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

May 12, 2022 @ 1:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng North Korea ang kauna-unahang kaso ng COVID-19sa bansa at nagdeklara ng “severe national emergency,” kung saan ipinangako ni Kim Jong Un na wawakasan ang virus, batay sa state media nitong Huwebes.

Hindi kailanman nag-ulat ang North Korea ng kaso ng COVID-19, subalit base sa mga sample na nakuha sa mga pasyente, “consistent” ito sa Omicron variant ng virus, ayon sa opisyal na Korean Central News Agency.

Tinatalakay na ito ng mga opisyal kabilang ang pinunong si Kim Jong Un, at inanunsyo na magkakaroon sila ng “maximum emergency” virus control system.

Ani Kim, “the goal was to eliminate the root within the shortest period of time,” base sa KCNA.

“He assured us that because of the people’s high political awareness… we will surely overcome the emergency and win the emergency quarantine project,” dagdag nito.

Umapela rin si Kim sa mas mahigpit na border controls at lockdown measures, at sinabi sa mga nasasakupan “to completely block the spread of the malicious virus by thoroughly blocking their areas in all cities and counties across the country”.

Lahat ng business at production activities ay ioorganisa upang kada work unit ay “isolated” para mapigilan ang magkalat ng virus, dagdag ng KCNA.

Naniniwala naman ang mga eksperto nawala pang nababakunahan sa 25 milyong indibidwal sa North Korea, sa pagtanggi nito sa alok na bakuna ng World Health Organization, at China at Russia.

Naniniwala ang mga eksperto na magiging hamon sa health system ng North Korea ang isang major virus outbreak. RNT/SA