N. Luzon uulanin sa shearline

N. Luzon uulanin sa shearline

November 8, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang shearline sa Northern Luzon ngayong  Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng shear line at easterlies na may posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:54 a.m., habang lulubog ito ng 5:26 p.m. RNT