Na-ospital sa ammonia leak sa Navotas, 15 na!

Na-ospital sa ammonia leak sa Navotas, 15 na!

April 5, 2022 @ 3:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sumampa na sa 15 katao ang bilang ng mga isinugod sa ospital matapos na makalanghap ng kemikal mula sa nangyaring ammonia gas leak incident sa planta ng yelo sa Navotas City.

Ayon pa sa Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), may isang napaulat na namatay, pero kinukumpirma pa kung may kinalaman ito sa insidente.

Samantala, ang unang pitong napaulat na biktima ay isinugod sa Navotas City Hospital habang inaalam pa kung saang pagamutan itinakbo ang walong iba pa.

Alas 2:58 ng madaling-araw ng Martes, Abril 5, nang magsilikas ang mga residente ng Barangay NBBS Kaunlaran at NBBS Proper matapos na umalingasaw ang ammonia sa lugar.

Ipinasara na ng Pamalaang Lungsod ng Navotas ang nasabing ice plant.

nabatid na ito na ang pangatlong beses na nagkaroon ng ammonia gas leak sa naturang planta sa loob ng dalawang taon.

na sa ikatlong pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay muli na namang nagkaroon ng ammonia leak madaling-araw ng Martes, na naging dahilan ng pagkaospital ng 15 nang katao at pagkamatay umano ng isang lalaki. Merly Iral