NABABAHALA ANG NWRB SA PAGKATUYOT NG MGA GROUND WATER

NABABAHALA ANG NWRB SA PAGKATUYOT NG MGA GROUND WATER

September 20, 2022 @ 2:28 PM 2 weeks ago


BASE sa karanasan ng ating mga kababayan, mas kaka-yanin pa na walang kur-yente sa isang maghapon kaysa walang tulo ng tubig sa mga gripo o walang ma-igib na tubig. Kaya naman ang pagseseguro sa suplay ng malinis na tubig ang isa sa mga priority environment agenda ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa kanyang pakisuyo sa Kongreso para sa pagbu-buo ng isang Department of Water Resources and Management.

 

Marami sa mga kababayan natin ang nagtataka, isa nga namang arkepelagong bansa ang Pilipinas na naliligiran ng tubig, bakit nga naman tayo kukulangin sa suplay nito.

Alam naman natin na ang tubig buhat sa mga karagatan at dagat na nakapalibot sa ating bansa ay hindi maaa-ring direktang inumin at wala pa tayong teknolohiya sa ka-salukuyan para gawin ito.

Pangunahing pinagkukunan parin natin ng potable water ay ang ground water na ayon sa datus ng National Water Resources Board (NWRB) ay 49% ay nagaga-mit sa mga domestikong pangangailangan, 32% sa agri-kultura, 15% sa mga industri-ya, at 4% na iba pang pinaggagamitan.

Pero nababahala ang NWRB sa pangunguna ni executive director Dr. Sevellio David, Jr. sa pagkatuyot ng mga ground water sa malaking bahagi ng bansa.
Ang region 10 o ang Northern Mindanao na siyang may pinaka-konting ground water sa buong bansa ay halos wala na talagang makuha, habang pakonti na nang pakonti ang nakukuhang tubig mula sa Ilocandia at sa Central Visayas na siyang mas maraming imbak na ground water.

Sanhi ito ng mas dumara-ming bilang ng tao, hindi maayos na pagtatapon ng mga wastewater, malawakang polusyon, ang saline water intrusion, at epekto ng mas luma-lalang climate change and global warming.

Ang NWRB ay isang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa lahat ng katubigan sa buong bansa at nagmomonitor sa paggamit ng tubig.

Ang pagkontrol ng paggamit ng lahat ng uri ng katubigan tulad ng alokasyon, konserbasyon at pag-iingat na ka-akibat ang pagsustena sa pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng sistema ng water rights.