Nabuking na 2 artistang sabit sa party drugs, di pa pwedeng kasuhan

Nabuking na 2 artistang sabit sa party drugs, di pa pwedeng kasuhan

March 14, 2019 @ 4:42 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Kahit tukoy na ang dalawang artistang parokyano ng napatay na tinaguriang big-time party drug dealer sa Metro Manila na si Steve Pasion, ay hindi pa maaring arestuhin at kasuhan ang mga ito.

Patuloy namang minamanmanan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang 2 artista na nabuking sa text message mula sa cellphone ni Pasion na bumibili ng ecstasy.

https://remate.ph/2019/03/12/big-time-supplier-ng-ecstasy-sa-mm-patay-sa-buy-bust/

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service director Levi Ortiz, “Isa sa mga parokyano niya mga celebrities. Marami tayong namonitor pero ‘yung naconfirm talaga natin based on text messages we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista.”

Dagdag pa ni Ortiz, na hindi na sila nagulat sa paglutang ng pangalan ng 2 artista dahil matagal na itong lumalabas sa mga intelligence report nila.

Sinabi naman ni PDEA Director General Aaron Aquino na maaring malawak ang koneksyon ni Pasion sa illegal drug trade sa bansa.

Ilang beses na kasing lumutang ang pangalan nito at ng Igot drug syndicate sa mga nauna nilang operasyon. Remate News Team