Nabuking na pag-eskapo, itinanggi ni Kerwin

Nabuking na pag-eskapo, itinanggi ni Kerwin

January 19, 2022 @ 7:53 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni confessed drug dealer Kerwin Espinosa ang nabuking na balak na pagtakas sa National Bureau of Investigation (NBI) jail.

Giit ni Espinosa, iba umano ang kanyang kulungan sa mga kumalat na litrato ng silid na nakitang may butas ang kisame.

Nauna nang sinabi ni NBI officer in charge Eric Distor na nakatanggap ang ahensya ng tip na tangkang pagtakas ni Espinosa at dalawa pang preso gamit ang butas sa isang exhaust fan sa kisame sa NBI jail noong Enero 13.

Nang magtungo ang NBI officers at magsiyasat ay dito na tumambad ang tinatangkang destrongkahing exhaust fan.

Matapos ito, sinabi ni Distor na hinigpitan lalo ang seguridad sa nasabing piitan.

Sa kabilang banda, iginiit ng Department of Justice (DOJ) na ilipat si Espinosa sa ibang kulungan. RNT