Nadia, nahilo, nabukulan!

Nadia, nahilo, nabukulan!

September 17, 2022 @ 2:38 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ang pagbaba ng kanyang blood sugar ang sanhi ng pagkahilo ni Nadia Montenegro na nagresulta ng pagkakahampas ng mukha sa pintuan ng kanyang kotse.

Supposedly, makikipagkita si Nadia sa kaibigang si Lotlot de Leon.

Akmang sasakay na siya ng kotse nang mahilo raw siya at mawalan ng balance.

Natuklasan niyang bumaba ang kanyang blood sugar.

Tumama ang isang parte ng mukha niya, damay pati ilong at labi.

Hindi na raw niya pinatahi ‘yon, ayon na rin sa payo ng kaibigang doktor.

Magkakapeklat lang daw ‘yon kung sasailalim siya sa suture.

Sa halip ay nagpahid lang daw si Nadia ng cream to avoid skin marks.

Ang ending: hindi niya nasipot si Lotlot na naunawaan naman ang freak accident ng kaibigan.

Hypoglycemia ang medical term pag bumababa ang blood sugar ng isang tao.

Kung tutuusin daw ay mas delikado ito kesa sa pagkakaroon ng mataas na blood sugar.

Mabuti na lang at minor lang ang nangyari kay Nadia na umatake ang kanyang hypoglycemia nang hindi pa nagmamaneho.

Otherwise something worse could have happened. Ronnie Carrasco III