Nadine at Christophe, nagpakilig sa Instagram!

Nadine at Christophe, nagpakilig sa Instagram!

January 14, 2022 @ 2:15 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Matapos ang ilang buwang haka-haka ng netizens that Nadine Lustre and Christophe Bariou are in a relationship, finally, official na ang relasyon ng dalawa sa Instagram.

Sa latest IG post ni Nadine, makikita ang sweet picture nila ni Christophe in a collage.

Sa first picture, makikitang they are giving each other a sweet look, sa second picture naman, “Muntik na mag-kiss! Ang cute!” comment ng netizens.

January 2020 nang i-annouce ng JaDine ang kanilang break-up.

2021 naman nang ma-link ang actress kay Christophe, a French surfer,  dahil sa ilang photos na kumalat na they’re together in Siargao.

Masaya naman ang fans ni Nadine for her although may ilan na ayaw pa ring bumitiw sa naging relasyon nila ni James Reid.

#MoreIGPicturesToComeNadineandChristophe. Paula Jonabelle Ignacio