Nadine, bet makatrabaho sina Vilma at Nora!

Nadine, bet makatrabaho sina Vilma at Nora!

January 14, 2023 @ 11:22 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Very fruitful ang year 2022 para kay Nadine Lustre dahil sa taong ito humataw nang husto ang kanyang karera.

Certified hit ang kanyang MMFF movie na “Deleter” kung saan napatunayan ang kanyang drawing power sa takilya bilang box office star.

Katunayan, sa kinita nitong more than P235 milyon as of press time, bukod sa shoo-in na siya sa Guillermo Mendoza Film Foundation bilang box office queen, na-disloged na niya ang pelikula ni Kris Aquino na “Fengshui 2” noong 2014 bilang highest grossing Pinoy horror film of all time.

This year, maiintindihan na namin kung bakit ganoon kasaya si Nadine dahil bukod sa blooming at panalo ang love life niya ay number one sa takilya ang MMFF entry niyang “Deleter” na idinirek ni Mikhail Red.

Bonus pa na nanalo siya ng kanyang kauna-unahang best actress award noong Gabi ng Parangal sa MMFF kaya naging motivation ito para pagbutihin pa niya ang kanyang ‘craft.’

Ayon kay Nadine, wala raw siyang expectations na magnu-number one sa takilya ang kanyang pelikula sa MMFF 2022 at mauungusan pa ang kakumpentensiya nitong comedy film nina Vice Ganda at Ivana Alawi.

Katunayan, wala rin daw sa hinagap niya na mananalo siya ng trophy sa kanyang role bilang Lyra, ang call center agent na may jaded past sa obra ni Direk Mikhail Red.

Dagdag pa nito, hindi rin daw intended sa MMFF ang horror movie nang gawin nila ito.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya dahil sa unexpected blessings na dumating sa kanyang buhay.

Happy din siya na nangyari ito sa panahong nagkaayos na sila ng kanyang mother studio.

Bet din ni Nadine na gumawa pa ng maraming pelikula pero ayaw daw niyang makahon sa horror genre.

Kung bibigyan din siya ng pagkakataon, gusto niyang makatrabaho ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at maging ang National Artist for Film na si Nora Aunor sa mga susunod niyang proyekto. Archie Liao