Nadine, ginamit na, ninakawan pa ng kaibigan!

Nadine, ginamit na, ninakawan pa ng kaibigan!

April 2, 2022 @ 1:34 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Mamili ng taong  kakaibiganin!

Ito ang mahalagang aral na natutunan ni Nadine Lustre makaraang ibahagi ang kanyang malungkot na karanasan sa isang dating kaibigan.

Hindi pinangalanan ng aktres kung sino ‘yon pero isang social media influencer daw ‘yun.

Ang siste, ‘yung taong ‘yon daw ang dumikit sa kanya at sa kanyang grupo.

Nagtamasa raw ito ng maraming endorsements dahil identified ito sa kanya.

Tinawag na social climber ni Nadine ang taong ‘yon na nakipag-close lang daw sa kanya for her personal gain.

Pero ang mas malala kesa sa panggagamit nito’y nakuha pa siyang pagnakawan nito.

Sa mismong kuwarto pa raw ni Nadine umatake ang naturang dating kaibigan.

Natuklasan ni Nadine na hindi lang  pala siya ang biniktima nito.

Marami rin sa mga kinakaibigan nito ang ninakawan niya.

Lesson learned daw ‘yon para kay Nadine  para kilatisin muna ang mga taong gustong makipagkaibigan sa kanya.

Hindi naman binanggit ni Nadine ang halaga ng pera o  bagay na ninakaw sa kanya.

Samantala, nasa bakasyon si Nadine  sa France kasama ang kanyang nobyong si Christopher Bariou. Ronnie Carrasco III