Nadine, may spinal problem!

Nadine, may spinal problem!

December 12, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Higit na mas pinahahalagahan ngayon ni Nadine Lustre ang kanyang kalusugan.

She totally believes in the saying “Health is wealth.”

Ayon mismo sa Viva artist, she’s dealing with health issues.

Itinuro pa nga niya ang kanyang braso, “My arms are cramped up.”

At bilang relief daw ay inuunat niya ito, “I think it’s my nerves.”

Sa katunayan nga raw, may nasilip na abnormality sa kanyang gulugod, “My C1 to C6 are protruding, and it’s messing up with my spinal cord.”

As a result, the feeling of discomfort is causing her difficulty in sleeping.

Buti na lang daw at maaasahan ang kanyang Filipino-French beau na si Christopher Bariou na nagbabantay sa kanya whenever she’s sick.

Samantala, umalis na si Nadine sa Careless Music na kumpanyang pag-aari ng dating nobyong si James Reid.

Ani Nadine, hindi na raw kasi tugma ang vision nila.

May gusto raw siyang gawin na taliwas o salungat sa gustong mangyari ng naturang music label.

It came daw to a point na nawalan na rin siya ng interes sa music.

May nasisilip namang repercussions ang mga netizens sa pag-alis sa poder ni James.

Nangangamba ang mga ito para kay Liza Soberano na talent ni James.

Ang inaasahan kasi nilang bobonggang career ni Liza ay hindi naman daw nagkakaroon ng katuparan.

Tulad na lang daw ng pagpapa-picture na lang ng aktres sa mga kilalang idolo.

Lumalabas na fangirl lang ang drama ni Liza sa halip na siya ang idolohin. Ronnie Carrasco III