Nadine, na-bash sa maruming balat, rumesbak!

Nadine, na-bash sa maruming balat, rumesbak!

October 24, 2022 @ 8:16 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa darating na October 31 ay ika-29 kaarawan ni Nadine Lustre.

Uulitin lang namin, she’ll turn 29 at hindi na siya beinte uno anyos as most people think she is.

May netizen kasing nag-comment na: “Gurl, ang dumi at dry kasi ng balat mo kaya mukha kang matanda.”

Minsan lang pumatol ang Viva artist sa mga bashers, pero hindi niya ito pinalampas.

Resbak niya: “I find it so weird when people say I’ve changed or I look older. Were you expecting me to look the same when I was 21? I’ll be turning 29 next week!”

Sa halip na makipagsagutan pa sa basher, ang mga fans na ni Nadine ang dumepensa sa aktres.

Sabi ng isa, pag wala nga naman daw makeup si Nadine ay aakalain mong teenager siya.

Still another netizen heaped praises on her.

Anito, “If there’s one thing that will remain the same, it’s you being iconic.”

Perhaps may “dermatological explanation” sa anila’y dry and dark-skinned tone ni Nadine.

May kaugnayan kaya ‘yon sa pagiging outdoorsy niya lalo na sa Siargao?

Siyempre, nag-rub off na sa aktres ang pagiging sea lover ng boyfriend niyang si Christophe Bariou.

Saka ano ba naman ang tingin nila kay Nadine, bampirang hindi tumatanda?

Get real, bashers! Ronnie Carrasco III