Nadine, nagpaka-hot sa dragon tattoo!

Nadine, nagpaka-hot sa dragon tattoo!

January 23, 2022 @ 9:19 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Naghasik na naman ng hotness si Nadine Lustre sa social media world.

Laman kasi ngayon ng newsfeed ang photos niya kung saan makikitang nagpa-tattoo ito ng dragon sa braso.

It’s not just a minimalist tattoo. Kitang kitang dahil halos sakop na ng art ang likuran ng kanang braso ng aktres.

Marami ang na-amaze at na-appreciate ang bagong art na ito ni Nadine sa katawan niya pero ang ilan, napasigaw sa comments section ng “Awat na!”

Hindi natin alam kung awat na sa hotness dahil sobra na or awat na sa tattoo kagaya ng sinabi ng netizen na si Zandee Villanueva.

“Okay, Nadine carry pa pero ‘wag mo na dagdagan ang tattoo mo at maduming tignan. Sayang kakinisan ng balat mo ‘pag dinagdagan mo pa ‘yan,” saad nito na marami rin naman ang sumang-ayon.

Well, hindi naman ito ang first time na pumuna ang mga tao sa body decisions ng isang individual lalo na kapag artista ka pero sabi nga ng isang group exhibition that examines the mainstream portrayal of women, “My body, my rules!” Paula Jonabelle Ignacio