Nadine, nakipagtalakan sa netizen!

Nadine, nakipagtalakan sa netizen!

January 26, 2022 @ 11:38 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi na talaga uso ‘yung babarahin mo ‘yung artista tapos ‘shut-up’ lang sila.

Trending topic kasi ngayon sa social media ang pakikipagpalitan ng tweet ni Nadine Lustre sa isang netizen on Twitter.

Nagsimula ang lahat sa tweet ni Nadine saying, “Nice to know that after all this time… I’m still living rent-free in your heads.”

Naglaro ang iba’t-ibang meaning sa utak ng netizens at napa-comment pa nga ang isa at inakusahan si Nadine na hindi pa nakaka-move on sa ex na si James Reid.

“‘Cause no matter how you deny it, your ex is still living rent-free in your head,” pambabara ng netizen.

Pero si Lustre, hindi ito pinalampas at sinupalpal ang basher.

“Wala talagang wow factor mga banat mo. Naka-move on na kaming lahat. Mag-move on ka na din, sis.”

Ilang ulit nang ipinagtanggol ng aktres ang sarili pero may dumagdag pa at pinuna naman ang kanyang bagong dragon tattoo saying, “‘Yan yung dream tattoo ng ex mo,”

“Ano girl, ‘di pa rin maka-move on? Anino pa rin? Rebound lang ‘yung present? Hahahaha. Parang career mo lang, ‘di na umusad. Laos,” pag-atake pa ng isang netizen na dinamay pati ang current boyfriend ni Nadine.

Pero mukhang napagod na ang aktres na patulan ang bashers kaya ang ending, sinabihan na lang niya ito ng, “Day, tama na. ‘Di na natin alam pinaglalaban mo.”

Marami tuloy ang napaisip, hindi niya dinenay na hindi pa rin siya naka-move on kay James Reid, totoo kaya? Paula Jonabelle Ignacio