Nadine, nilayasan na ang Careless Music!

Nadine, nilayasan na ang Careless Music!

December 15, 2022 @ 2:25 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ni Nadine Lustre sa interview ng Monster RX 93.1 na nilayasan na niya ang music label ni James Reid na Careless Music.

Ang ibinigay na dahilan ni Nadine ay hindi na raw magka-align ang vision nila ng Careless.

“I`m actually not with the label anymore just because the vision isn`t really aligned anymore. I kind of want to do my own thing, they`re doing their own thing,” aniya.

Sabi pa niya,magkaiba na raw ang gusto nilang gawin.

“Parang iba na rin kasi ‘yung gusto kong gawin. Saka ‘yung time na yun, when I left then, I wanted to stop making music na rin. But then again, it`s different na. It`s so different. Like the things that I want to do and the things that they want to do are very different things already,” paliwanag pa niya.

Ang ibig sabihin ni Nadine na iba na nga ngayon ay naka-focus na rin ang Careless sa international market.

Dahil sa rami ng kanyang ginagawa ngayon ay naramdaman daw niyang lagi siyang exhausted. Minsan daw ay nakakalimutan pa niyang kumain.

Very grateful daw siya at nagkaroon siya ng boyfriend na talagang inaalagaan siya kapag may sakit.

Very supportive rin daw ng boyfriend na si Christophe Bariou sa kanyang showbiz career pero sobrang mahiyain ito kaya laging nasa behind the camera. Gerry Ocampo