Nadine, pinagmalaki ang pagiging matalino ng jowa! 

Nadine, pinagmalaki ang pagiging matalino ng jowa! 

April 10, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Kulang na lang ay sabihin ni Nadine Lustre na isang walking encyclopedia ang nobyo niyang si Christophe Bariou.

For starters, July raw noong magkakilala sila sa Siargao through a common friend.

Naging paboritong second home na ng Viva artist ang isla sa Surigao del Norte.

Buhat noon daw ay sinundan na siya hanggang Maynila, and the rest is history.

Puring- puri ni Nadine ang boyfriend who she calls ” babe,” and vice versa.

Matalino raw kasi ito who enjoys watching documentaries, and shares her passion of watching funny videos.

Pruweba raw that Christophe has something in between his ears ay ang malawak na kaalaman nito sa general information.

Pagbibida ni Nadine, 95% daw ng mga capitals ng bansa sa buong mundo ay alam ni Christophe.

Napa-“What?!” nga raw siya sa sobrang bilib.

Sana lang ay huwag gawing point of comparison ito between Christophe and her ex- boyfriend na si James Reid.

As they say, no two people can be and are alike.

Sa larangan naman kasi ng music nag- e-excel si James. Ronnie Carrasco III